SAWI, DRAMA, ATBP.

Sa kakanood ko ng Korean Dramas, Action Series, Marvel Series, Chick Flicks, Nicholas Sparks’ love stories, Telenovela o Teleserye maging sa pagbabasa ko ng The Fault in Our Stars ni John Green at Everyday ni David Levithan, Eleanor and Park ni Rainbow Rowell at iba pa. Ewan ko ba. Napakasawi ko ba?

Napapamura ko sa nararamdaman ko ngayon sa totoo lang. Alam mo yung asang asa ka sa napapanaginipan mo gabi gabi dahil mala-fairytale ang datingan. Yung tipong bumalik siya, (kung sinomang ‘siya’ na pumasok na isip mo ngayon) tapos nagsorry sabay nagkatinginan kayong dalawa, naging okay tapos naging maganda yung love story niyo. May pagkakataon pa yan na ipagtatanggol ka niya sa mga nangaaway sa’yo. Minsan nga eh, pinoprotektahan at kino-comfort ka pa eh na mala Prince Charming ang pormahan.

Oo, nabroken na ‘ko. Ngayon kung broken ka, ramdam kita. Hindi ko na sasabihin kung kailan ako nasawi sa pag-ibig. Wow! Big word. PAG IBIG. P***! Basta ngayon, mahigit isang taon na kong single. Hindi ako nagrereklamo na single ako.

Ang sakin lang, hanggang ngayon kasi masakit pa rin. Kung hindi ako magpapakahonest sa sarili ko, lalo akomg hindi makakamove on. Lintek pa yan na halos gabi gabi napapanaginipan ko pa. Ang weird diba. Hindi mo tuloy malaman kung siya na nga ba si The One eh. Mapapakanta ka na lang ng 🎶 “Ikaw na ba si Mr. RIGHT? Ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?🎶 ni Kim Chiu. Bwisit. Tapos biglang papasok sa isip mo, “hoy! Sinaktan ka niyan.” YUNG TOTOO?

ANG GULO.

Teka, san nga ba pupunta ‘tong blog post ko? Eto na. Nabasa ko to sa Twitter kanina:

image
@wordstext

Nalungkot ako bigla. Nakalimutan ko na ata yung feeling ng in love. Namiss ko yung feeling na may nagtetext sa’yo ng good morning! Tapos may heart pa or kahit anong bati sa umaga. Yung may maghahatid sa’yo pauwi at hindi ka matetengga sa jeep/bus/train dahil may kausap ka. Yung may magtatanggol sa’yo kapag nasaktan ka, lalo na pag wala yung best friend mo. Yung tipong dadamayan ka sa lahat. Sasabihan ka ng “i love you” na para bang buong mundo ang nagmamahal sa’yo. Yung may nakakamiss sa’yo. Yung mga bagay na adventure para sa inyong dalawa. Yung may katawanan ka. Yung feeling na hindi ka nagiisa. Yung mga LITTLE MOMENTS na tumatatak sa isip mo sa sobrang kilig mo ng mga panahong ‘yun.

SARAP MAINLOVE ANO?

Pwede bang pakiexplain at describe ulit sa’kin anong feeling ng ganoon? Nakalimutan ko na nga ata talaga. Naging manhid na yata ako sa sakit na naranasan ko.

Naniniwala ba ako sa forever? Siguro itatanong mo yan. Oo, forever ng ALDUB! Napakanegative ko na sa sarili ko na makakahanap pa ko ng TRUE LOVE sa mundong ibabaw. Pero sabi nga ni Lola Nidora, (oh alam mo ba kung sino siya?) na dadating yan sa tamang panahon.

Eh may tamang panahon ba para sa akin? Nako, katawa.

Sarap maniwala sa destiny or fate lalo na sa mga pinagsasaksak na fairytales ni Nicholas Sparks sa kokote ko. Grabe! NARARAMDAMAN KONG ANG BITTER KO. Oo na, bitter na. At wala na kayong pake dun. Lol! Hindi, joke lang. Baka di niyo na dalawin ‘tong blog ko.

Full of patience naman ako kung may dadating. Malay mo, yung destined pala sa’kin ikaw na nagbabasa nitong walang kwentang kaunaunahang tagalog blog post ko. Haha! Kaloka.

Sa ngayon, sapat na siguro yung kilig na nararamdaman ko sa mga movies at loveteams. Sabi nga nila, FANQUEEN ako. Next time, magpopost ako sa pag fafangirl ko.

So ang BOTTOMLIME, nagddrama ko. Kasi namimiss ko yung mga bagay na nagpapakilig sa’kin — hindi dahil sa fandoms pero dahil sa sarili kong lovestory.

Umaasa akong pagdating ni THE ONE, magiging #relationshipgoals kami. BWAHAHA!

ASA. UMAASA NA NAMAN AKO. Hugot ba? Nako, hindi. Ayoko pala umasa. Hugot man o hindi, pag umasa ka talaga, may probability na 75% na masasaktan ka. Oo, nagaaral akong Quanti kaya pasok yan. Charing!

Anywayswaysways, bahala na si BATMAN.

KUNG SINGLE EDI SINGLE. KUNG WALANG DUMATING EDI WALA!

Alam kong may mas magandang plan Siya para sa akin/atin.

Let’s end this post with GOOD VIBES! HAHA WALANG KWENTA ANO? Pero at least, nakapaglabas ako ng hinanaing ko. Kesa sa 140-140 characters sa Twitter. BOOM PANES!

Yikeee! GOODNIGHT!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s